Mula sa Metasearch Engine hanggang sa Lifestyle Superapp, Isang Dekada ng Pagbabago ng Traveloka sa Magkakasamang Paglago kasama ng Mga Kostumer Nito



  • Nagsimula mula sa isang metasearch engine, isang online aggregator ng paghahambing ng flight ticket, ang Traveloka ngayon ay naging isang Lifestyle Superapp na naghahandog ng mga end-to-end na solusyon para punan ang mga pangangailangan sa istilo ng pamumuhay ng mga mamimili.
  • Sa pagdiriwan ng dekada ng Traveloka na sumasama sa paglalakbay ng mga mamimili nito, hinahandog ng Traveloka ang Salebrat10n Promotion Program.

MAYNILA, PILIPINAS - Media OutReach - 2 Marso 2022 - Itinaguyod mula noong Pebrero 29, 2012, ang Traveloka, ang lifestyle superapp ng Southeast Asia, ay nagdiriwan ngayon ng 10 taon ng paglalakbay nito ay magkasamang lumalaki kasama ng mga mamimili nito. Bilang bahagi ng pagdiriwang, hinahandog ng lifestyle superapp ang Salebrat10n promotion program.


Sa buong isang dekada ng presensiya sa lipunan, ang Traveloka ay gumagawa ng iba't ibang nakabatay sa teknolohiya na mga inobasyon upang matugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga mamimili sa paglalakbay at pamumuhay. Simula sa isang metasearch engine hanggang sa online aggregator, ang Traveloka ay naging isang lifestyle superapp na may higit sa 20 mga produkto at serbisyo sa ilalim ng tatlong pangunahing mga haligi: paglalakbay, mga lokal na serbisyo, at mga serbisyong pinansyal.

Sinabi ni Albert, Co-Founder, Traveloka, na "Ang inobasyon ay ang nagtutulak na puwersa para sa amin bilang isang kumpanya ng teknolohiya upang patuloy na lumago, umangkop, at magbigay ng mga makabuluhang solusyon upang masagot ang mga pangangailangan ng mga mamimili at ang kanilang mga adhikain. Sa nakalipas na dekada, naghatid kami ng iba't ibang produkto at serbisyong nagbibigay ng kaginhawahan sa mahigit 40 milyong mamimili, nakikipagtulungan sa milyun-milyong kasosyo, at nakipagsosyo sa ilang stakeholder upang sama-samang mag-ambag sa industriya ng turismo at pambansang ekonomiya."

Sa paninindigan sa patuloy na paglago at paghatid ng pagmamalaki ng Indonesia sa mga ibang bahagi ng mundo, ang Traveloka ay naging unang unicorn sa bansa na bumuo ng negosyo sa labas ng tahanan nitong bansa, Indonesia. Mula noong 2015, lumawak ang Traveloka sa buong Southeast Asia, tulad ng Singapore, Malaysia, Thailand, ang Philippines, at Vietnam.

Isa sa mga pagpapakita ng pangako ng Traveloka na manatiling inobatibo ay makikita sa milestone nang ilunsad nito ang Traveloka PayLater noong 2018. Pinangunahan ng Traveloka ang konsepto, na kasalukuyang kilala bilang Buy Now Pay Later (BNPL) sa Indonesia. Ito ay may pangunahing layunin na pasimplehin ang pag-access ng mga mamimili sa mga serbisyong pinansyal, samakatuwid ay tinutulungan silang mas mahusay na pamahalaan ang daloy ng kanilang pera. Hindi babanggitin, ang Traveloka ay nagtagumpay upang maging una sa Southeast Asia na nagpakilala ng PayLater Virtual Number, isang paraan ng hulugan gamit ang isang virtual na numero.

Sa panahon ng pandemya na matindi ang tama sa sektor ng paglalakbay at turismo, ang Traveloka ay nagpatuloy sa inobasyon at sumangay sa mga katabing serbisyo. Nagsagawa ang Traveloka ng isang serye ng mga inisyatibo upang suportahan ang pagpapagaan ng pandemya sa bansa, mula sa pagtatatag ng mga Traveloka Vaccination Center, paghahandog ng mga COVID-19 test, hanggang sa paglulunsad ng Traveloka Clean Partners. Sa pagsisikap na tulungan ang mga partner na apektado ng pandemya, ginanap din ng lifestyle superapp ang iconic na EPIC Sale program na matagumpay na nagpataas ng mga transaksyon ng 84,000+ partner ng mahigit sa 4.5 beses.

Sa buong paglalakbay nito sa nakalipas na isang taon, patuloy na pinapalakas ng Traveloka ang posisyon nito bilang isang lifestyle superapp sa pamamagitan ng pagkomplemento ng portfolio ng mga produkto at serbisyo nito, upang magbigay ng mga end-to-end na solusyon. Sa unit ng negosyo sa Paglalakbay, ang Traveloka Holiday Stays ay available na ngayon na may kumpletong pribadong imbentaryo ng tirahan, at Traveloka QuickRide na nagpapahintulot sa mga mamimili na mag-order ng taxi sa Traveloka application. Samantala, ang Eats Delivery, Health, at Online Xperience ay naka-embed sa unit ng negosyo ng Local Services. Ang mga Serbisyong Pinansyal ay lumalaki din sa pagkakaroon ng Traveloka Gold, Traveloka PayLater Virtual Numbers sa mga produkto ng insurance na may mas malawak na saklaw.

Pagdiriwang ng Unang Dekada

Sa pagpasok nito sa ika-10 nitong taon, nais pahalagahan ng Traveloka ang mga mamimili nito sa pagsasagawa ng Salebrat10n na promosyonal program kung saan tumatakbo ang Traveloka, kabilang ang Indonesia, Singapore, Malaysia, Vietnam, Thailand at ang Philippines. Ang Salebrat10n ay suportado ng Traveloka Clean Partners, naghahandog ng iba't ibang diskuwento para sa mga produkto ng Traveloka, mga pang-araw-araw na flash deal, mga voucher at kupon na partikular para sa bawat rehiyon na may mga sumusunod na detalye:

Mga Bansa
Panahon
Detalye ng Salebrat10n
Singapore, Malaysia, Philippines
Peb 21 – Mar 6 2022
Makatanggap ng hanggang 50% off na mga deal na may mga diskuwento, at mga kupon sa lahat ng mga produktong mabibili
Indonesia
Peb 24 – Mar 2 2022
Diskuwento hanggang 70% para sa lahat ng mga produkto ng Traveloka

Flash sale sa 19:00-21:00 (JKT time) at Grand Bazaar sa 12:00-23:59 (JKT time)
Vietnam
Peb 25 – Mar 3 2022
Diskuwento hanggang 50% para sa lahat ng mga produkto ng Traveloka

Flash sale sa 10-11AM bawat araw para makakuha ng mas magagandang deal, maisasama sa mga code ng kupon para sa ekstrang katipiran
Thailand
Peb 25 – Mar 3 2022
Diskuwento mula 15% hanggang 95% para sa lahat ng mga produkto

Flight Flash Sale Hour araw-araw mula 11AM - 12PM para makakuga ng 40% off

Hotel Exclusive Discount sa Peb 28 at Mar 3 2022, may flash sale hour at makakuha ng hanggang THB733.

Xperience sale hanggang 95% off. Magsisimula ang mga deal mula THB10

Diskuwentong kupon ng Package Flight + Hotel hanggang THB300

Live Streaming sa Marso 3 na may karagdagang diskuwento.

Ipinakikilala din namin ang Traveloka Explore, bilang isa sa mga pinakabagong inobasyon ng Traveloka na nagpapahintulot sa mga amimiling mag-upload ng mga litrato at maiikling video tungkol sa kanilang mga karanasan sa pagbiyahe at mga istilo ng pamumuhay, na maibabahagi sa mga kaibigan at sa publiko sa Traveloka application.

"Nagpapasalamat kami sa suporta at tiwala na ibinigay ng aming mga mamimili, kasosyo, pamahalaan, at iba pang makabuluhang stakeholder na ang Traveloka ay nakakamit ng maraming tagumpay sa nakalipas na 10 taon. Ang ating paglalakbay ay hindi titigil dito, patuloy nating isasakatuparan ang ating pangako na magbigay ng mas maraming positibong kontribusyon sa bansa, kasama ang ating mga kasosyo," sa pagtatapos ni Albert.

發行人全權負責本公告的內容
Tungkol sa Traveloka
Tungkol sa Traveloka
Ang Traveloka, ang lifestyle superapp ng Southeast Asia, ay nagbibigay sa mga user ng access upang tumuklas at makabili ng malawak na hanay ng mga produkto sa paglalakbay, lokal na serbisyo, at serbisyong pinansyal. Kasama sa komprehensibong portfolio ng produkto ng Traveloka ang mga serbisyo sa pag-book ng transportasyon tulad ng mga flight ticket, bus, tren, pag-upa ng kotse, paglipat ng airport, pati na rin ang access sa pinakamalaking imbentaryo ng accommodation sa Southeast Asia, kabilang ang mga hotel, apartment, guest house, homestay, resort, at villa, na ginagawang booking platform ang Traveloka na may pinakamalawak na seleksyon ng mga tirahan at mga pakete.

Ang Traveloka ay isa ring pangunahing manlalaro sa kategorya ng mga lokal na serbisyo, na nag-aalok ng mga reserbasyon para sa malawak na hanay ng mga lokal na atraksyon, aktibidad, wellness at mga beauty clinic, culinary directory pati na rin ang paghahatid ng pagkain. Nag-aalok din ang Traveloka ng mga produkto ng financing, pagbabayad, at insurance para matulungan ang mga consumer ng Southeast Asia na matupad ang kanilang mga adhikain sa pamumuhay. Nagbibigay ang Traveloka ng 24/7 customer service sa mga lokal na wika gayundin ng mahigit sa 40 iba't ibang lokal na paraan ng pagbabayad. Ang lifestyle superapp ng Traveloka ay na-download nang mahigit sa 60 milyong beses, na ginagawa itong pinakasikat na application sa pag-book ng paglalakbay at pamumuhay sa rehiyon ng Southeast Asia.

#Traveloka

來源:

Traveloka

類別:

Business

閱讀:

English

發佈於

02 Mar 2022

過去的新聞稿

更多

立即聯繫 Media OutReach

立即聯繫我們